Tuesday, October 18, 2011

The Works of Rene Batallones


KARITON NG KAALAMAN

Nababasa mo ba ang laman ng puso ko
Kagayat mong sasabihin na munafik ako
Akusasyong hindi naman dapat manggaling sa iyo
Pagkat ‘di mo batid kung sino talaga ako

Matanda?
Yan ang winika mo sa tulad ko
Natatawa at naiinis ako
Paggalang na dapat na igawad mo
Pagka’t mga taon ko’y da’wah ang nilayon ko

Matamis na ngiti sa mga kuffar ang salubong ko?
Ganitong salita ay hindi mo dapat na ibato
‘Di mo pa napagsisino kung sino akong tutoo
At ‘di mo kilala ang tunay na pagkatao ko.

Oo’t aking winika na suplado ako
Ngiti’y iginagawad lamang sa mga taong kakilala ko
Umiiwas sa masamang sasabihin ng tao
Reputasyon ay iniingatan pagka’t yan ang tutoo

Sadyang ang katulad ko'y maiinitin ang ulo
Kapag taong kausap ay baluktot ang prinsipyo
Ipagpilitan ng jihad gayon ito'y di pa dapat
Kulang ang lakas ng Umma at ito ay hindi pa sapat

Kung nais mong sumugod sa nilalayon mong prinsipyo
Humulong ka sa mga bansang winasak ng delubyo
Tangke, baril, kanyon ginamit ng mga Amerikano
Pinagpapatay ang mga inosenteng Muslim na kapatid ko

Humayo ka at mag-jihad sa bansa ng Kosovo
Chenchen, Afganistan ,Iraq maging sa Minadanao
Subalit nasaan ka hayo’t nagtatago sa kadiliman
Gamit sa FACEBOOK ang huwad na pangalan

Akala ko nga noong una ikaw ay isang marangal
May angking talino pagkat ngalan ay Caravan of Wisdom
Ito palay di angkop sayo kaya ito’y aking pinalitan
Kariton ng Kaalaman, yan ang dapat mong pangalan


Ang bulok na sistema ng isipan mong taglay
Baluktot na prinsipyo iwasan itong ikampay
Baka sa bandang huli wala ka ng kaagapay
Dahil sa dupok ng iyong mga ipinagsasaysay

Kapatid na Muslim ito ang payo ko sa iyo
Planuhing mabuti ang nais mong isakripisyo
Tayo ay kapos sa yaman, armas maging sa bilang
Panganib na nakaamba ay kasing laki ng dulang

Kafir o munafik man ako sa iyong paningin
Sa mata ni Allah mga dalangin ko’y pansinin
At huwag hayaang sarili ko ay saklutin
Ng kanyang poot at galit, ayaw kong ito’y kamtin

Sayang, napakarami ko pang  nais na sabihin
Sa tulad mong mapanghusga sa FACEBOOK  o ikaw na mujahidin
Wangis ng isang lata ang laman ng utak mo
Masakit sa tainga ang kalampag at tunog nito\

Kaya kung ako sa iyo, ikaw ay manahimik
Dagdagan ang kaalaman at patuloy na magsaliksik
‘Eeman  mo’y palakasin, aqeeda ay payabungain
Upang hindi sumablay sa panukalang iyong ihahain

Maasalam, kapatid nawa’y payo ko ay dinggin
Walang mawawala kung ito ay iyong sundin
Pagpapakumbaba ang dapat mong gawin
Gumalang sa MATANDA at huwag mo kaming dustain.